FROM THE MAIL
By PNA From the Mail
An open letter to Nang Helen; musings on ‘Rano massacre’
Share
By Jake Bawan Tagaenod
I WILL whisper in silence
My thoughts on the Rano case
It doesn't mean I am cowed
Nor it means I don’t want to remember
But the tears had long dried up
And the emotion had ceased to explode
For how many deaths must we witness
How many lives must be wasted
My silence will slowly creep
To the valleys and the hills
And to the factories and school as well
That silence will knock each heart
Tears and pain has no place now
In this arduous trail
Where we will right the wrong
Where we serve justice to the fallen.
(Helen Dominguez, survivor and eyewitness of ‘Rano Massacre’ in Sitio Rano Barangay Binaton, Digos City in Davao del Sur on June 25, 1989, lost five family members in the gruesome incident.)
*****
Dahil magkabilaan ang mundo
Habang nililinlang mo ang taong bayan sa yong mga kasinungalingan
Itutuwid namin ang daloy ng kasaysayan
Habang pinipilit mong magpabagsak ng ating bayan
Palalakasin namin ito sa pamamagitan ng bisig ng sambayanan
Habang ikaw ay makikidigma
Kamtin namin para sa mga Kabataan ang kapayapaan
Ipunin mo ang mga isyung pampasiklab
Sasagutin naming yon ng sama samang paggawa
Sa bawat panlilinlang
Ibubunyag ang katotohanan
Magkabilaan tayo
Dulo mo ay kamatayan
Dulo ko naman kaligtasan.
Umiikot nga ba ang mga tanong
o iniikotan lang natin ang pagkakataon
Sang ayon ako sa kasabihan
Bago mo magapi ang iyang katunggali
Gapiin mo muna ang iyang sarili
Limampung taong
Nilatag at binuo
Kaya pang gapiin sa nalalabing taon ng pamumuno.
Maraming kadahilanang di nangyayari ang inaasahan
Maraming sisihan at turuan
Sa mga may karanasan ng pagpalaganap ng digmaang bayan
Mahalaga ang mga paglalagom at dakilang pagwawasto
Bago iangat ang pakikidigma sa mas mataas na antas.
At ano ang mga natutonan sa mga pagwawasto
Hindi lang ang pagtingin sa tungalian
Mas mahalaga ang pagkilala sa sariling kakayanan
At ang sariling kapasyahan
Matibay na kapasyahang magwagi
Gapiin muna ang sarili bago ang katunggali.
Makakaya nga ba o hanggang pangarap lang sya
Tayo ngayon ang magpapasya
Iwasto ang sarili buoin ang kapasyahan
Kilalanin ang sarili
Kilalanin ang katunggali.
Kung buo na ang kapasyahan
Libu libong digmaan ang pagtatagumpayan
Maging mapangahas maging matalas
Ibabalik ko ang mga tanong
Umiikot nga ba tayo o sadyang inikotan lang natin ang pagkakataon.
Pagbabago sa lipunan ay pagbabago din ng bawat mamayan.
Tayo ay isinilang ng panawagan ng pagbabago
Iluluwal natin ang lipunang bago.
Mangahas sa pakikidigma
Mangangahas na magtagumpay.
Comments
About the Columnist